peculiarian:
I don’t know how long it has been, since the last time we talk. But all I know is that, it’s been two months since we break the romantic attachment or bond that we have for each other. I just want to thank you for coming into my life. It was really unexpected that someone like you would walk into my life. You befriended me, we call each other best pal, and then you made me fall in love with you. My pleasure for having you in my life. You are the nicest person I’ve ever known in my entire life. Salamat sa pagtanggap sa akin ng buo, despite my flaws. Ngayon lang ako nakakilala ng taong katulad mo na sobrang magappreciate ng mga nagmamahal sa’yo. Salamat dahil lahat ng imperfections ko at insecurities ay tinanggal mo at sa halip, iconvert ito sa mga mas magagandang bagay. Di ako ganon katangkad, you said cute pag petite, di ako gaanong kagwapuhan, but you said I’m a beautiful person, inside and out. Salamat sa pagseselos mo sa ibang tao at pagramot sakin, dahil gustong mong sa’yo lang ako. Ramdam ko naman na genuine lahat ng ginawa mo para sa akin. Maraming salamat dahil, dahil sa’yo, nagbago ako. Nakita ng mga tao kung gaano ako kabait. Maraming salamat dahil kahit hectic ang schedule mo eh you find time pa rin for me. Maraming salamat dahil iniintay mo ko pag may overnight study kami. Maraming salamat sa pagpaparamdam mo sa akin na espesyal akong tao. Noon ko lang to naramdaman sa buong buhay ko.
Nung iniwan mo ko, halos mamatay ako, kung ano-anong naisip ko. Binigay ko siguro yung lahat kaya nagkaganoon ako. Ang dami kong namiss, yung kulitan at mga kalokohan natin. Yung sa halip na ako magbigay ng flowers at chocolates sa’yo nung valentines ay ikaw pa nagbigay sa akin sa virtual date natin. Namiss ko yung lambingan after selosan. Namiss ko yung tampuhan na tanging umiikot lang naman sa selosan. Gusto ko lang malaman mo na kahit may nagawa ka sa akin ay napatawad na kita. Gusto ko ring malaman mo na hindi ko nakuhang magalit sa’yo dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Nilet-go kita dahil mahal kita, at kahit hindi na katulad ng dati, A PART OF ME WOULD STILL BE LOVING YOU. Salamat dahil magkaibigan pa rin tayo, minsan nagtatampo ako sa’yo dahil mejo matagal bago ka magparamdam. Pero okay lang yun, at least, magkaibigan pa rin. Araw-araw kong pinagdarasal na sana maayos na ang lahat sa atin. Napakarami ko pang gustong sabihin sa’yo, yung tipong closure na talaga. Gusto ko lang malaman mo na kahit mawala pa yung pagtingin mo sakin ay nagpapasalamat pa rin ako. Bakit? Dahil mas naappreciate ko yung mga taong mas nagmamahal sa akin ng todo, mas naappreciate ko yung pamilya ko at yung mga bagay na hindi ko napapansin nung nakatutok pa ko sa’yo. Okay na nga rin siguro yun, at least alam kong malapit pa rin tayo pareho kay Lord.
Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, ang pinagdarasal ko araw-araw. And finally, eto na yun. Unti-unti na kong nakakabangon mula sa heart break ko. Unti-unti ko nang natatanggap na wala na talaga. Kahit busy pa man ako ay naaalala pa rin kita, pero nagpapasalamat lang ako dahil hindi na ako gaanong nasasaktan. Oo, may feelings pa rin ako sa’yo, hindi naman ganoon kadaling mawawala yun. I’m taking the steps of moving on slowly but surely, I’m taking it one step at a time. Sana mahanap mo na rin ang sarili mo, alam kong darating ka rin jan. Gusto ko pag nagkita tayo on cam o sa personal man o pag nagkausap tayo sa phone ay ayos na ang lahat sa ating dalawa. Salamat nga pala dahil pinasaya mo ako. Kahit sandali lang yun, parang lifetime na rin. Kala ko kasi kilala na kita, pero di pa pala hehe. Di ako bitter sa’yo no, alam ko naman kasing may rason ang bawat nangyayari sa buhay ng tao. Basta masaya ako na magkaibigan pa rin tayo at hindi nabali ang friendships natin at all. Salamat din dahil napakarami kong natututunan sa atin. At least, sa susunod na relationships natin ay alam na natin ang gagawin di ba? Approach me lang pag kailangan mo ng kausap. Katulad ng pangako natin sa isa’t isa na “walang iwanan” I never regret that I love you, dahil nagmahal talaga ko 100%, you’re also the sweetest thing that happened to me. Kahit pa naoverwrite yung feelings ko para sa babaeng gusto ko dati for five years nung dumating ka, di pa rin ako nagsisisi na nagbigay ako ng pagmamahal sa’yo. Usap usap nalang us. God bless you! :3
P.S.
Di kita makakalimutan at lahat ng pinagsamahan natin. Namimiss na talaga kita. Naaalala ko pa rin yung theme song nating “Ako’y sa’yo at ika’y akin lamang”. Wala lang, ang sarap lang ireminisce na isang beses sa buhay ko ay may taong nagparamdam sa akin ng ganitong kakaibang feeling. I’m looking forward kay future girlfriend. Pero mag-aaral muna ako at iintayin ko yung perfect love story na isinulat para sa akin ni God. :)
Truly yours,
Eddrian Rucio :3